Abangan ang first episode ng Science Pinas ngayong
February 15, 2025 handog ng Department of Science and
Technology (DOST)! Hatid nito ang kakaibang kombinasyon
ng Science at travel, kung saan tampok ang mga kwento ng
Science, Technology, at Innovation (ST&I) na nagpapabago
sa mga industriya at komunidad sa buong bansa.
(Watch the teaser HERE)
Pero, ano nga ba ang Science Pinas?
Bilang bahagi ng programa, tampok ang 11 Niche Centers in the Regions (NICER) mula
sa DOST’s Science for Change Program. Ang mga sentrong ito ay nagbibigay suporta
sa mga komunidad sa pagpapalakas ng kanilang lokal na industriya at pagkamit ng
mga inobasyon para makamit ang sustainable development. Para sa unang handog ng
Science Pinas, ipapakita ang kahanga-hangang ganda ng Ilocos Norte at ipapaliwanag
kung bakit ito tinaguriang Garlic Capital of the Philippines. Tampok din sa episode ang
tulong na ibinibigay ng ST&I upang higit pang mapaunlad ang industriyang ito.Â
Ang Science Pinas ay hindi isang pangkaraniwang science show, kundi isang
kakaibang paraan upang gawing educational ang bawat lakbay-tuklas. Sa bawat
episode, mapapanood ang mga magagandang tanawin ng Pilipinas habang nalalaman
ang mga kahalagahan at epekto ng Science at technology sa pagpapabuti ng ating
buhay at ng ating bansa.Â
Pinangungunahan ang programa nina Mark Wei, isang professional model at host, at
Riana Pangindian, Miss World Philippines 2021 First Princess at motivational speaker.
Hatid nila ang sigla at inspirasyon sa bawat kwento ng Siyensya at Travel.Â
Huwag palampasin ang first episode ng Science Pinas sa GTV Channel 11 ngayong
February 15, 2025, 9:00 AM. Mapapanood din ang livestream ng programa sa DZBB
official Facebook page.Â
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang aming website sa www.dostv.ph. At ifollow din kami sa Facebook, TikTok, at YouTube.
Sama-sama nating tuklasin ang ganda ng Science at Travel sa isang makabagong
paraan. Tara na’t maglakbay-tuklas sa Science Pinas!
SCIENCE PINAS: Lakbay-Tuklas ng Science at Travel
Reviewed by Michael
on
January 28, 2025
Rating:
No comments: